SK kagawad timbog sa marijuana
Pabs Hernandez III
Jul 1, 2019
1 min read
LAGUNA—Isang Sangguniang Kabataan (SK) kagawad ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng marijuana, kamakalawa sa Bgy. Dayap, Calauan sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si SK Kagawad Emerson Cantalejo, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Cantalejo na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments