Presyo ng karne, dapat bantayan!


SA gitna ng pagkaunti ng suplay ng manok sa mga palengke, nagbigay-babala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga retailer na nananamantala sa presyo nito.
Ito ay matapos ang umano’y pagpepresyo sa manok na lagpas sa inirerekomenda ng ahensiya.
Ayon sa DTI, nasa P160 lang dapat ang presyo ng manok habang P190 hanggang P220 kada kilo ng baboy sa palengke.
Umabot na umano sa P170 ang presyo ng manok sa ilang pamilihan habang may mga nagbebenta ng baboy sa halagang P240 kada kilo.
Dahil dito, napipilitan ang mga konsiyumer na bumili na lamang ng ibang parte ng karne na mas mura tulad ng paa ng manok sa halagang P80 per kilo.
Dagdag pa ng ahensiya, hindi dapat lumagpas sa P160 ang presyo ng manok dahil nabibili ito sa local farmers sa halagang P95 hanggang P110 at hanggang P50 lamang ang puwedeng ipatong ng mga trader at retailer.
Puwedeng padalhan ng notice of violation ang mga nagbebenta ng karne na masyadong mahal at maaaring managot kung mapatutunayang nag-o-overpricing.
Sa hirap ng buhay ngayon, dapat tayong maging madiskarte sa paghahanap ng paraan para kumita ng pera, pero para sa mga nagnenegosyo, please lang, huwag manlamang!





Comments