Nasimulan daw, ayaw nang bitawan… KRIS, AMINADONG ADIK NA RIN


NGAYON pa lang pala nanonood si Kris Aquino ng Descendants of the Sun, ang hit Korean drama na pinagbidahan nina Song Joong Ki at Song Hye Kyo at kung saan din nagsimula ang love story ng SongSong couple na humantong sa kasalan at divorce.
Nag-post si Kris ng poster ng DOTS at sa caption, aminado naman siyang late na siya sa panonood ngayon, sa panahong hiwalay na ang SongSong couple after almost 2 years of marriage.
“Opo, late talaga ‘ko... ngayon pa na nagdi-divorce na ang #songsongcouple, binge watching & super nao-obsess sa ganda ng kwento ng DESCENDANTS OF THE SUN.
“Have a serenely peaceful Sunday... with love from a K Drama convert who now understands WHY once you start watching one, tuloy tuloy na ang addiction,” ang caption ni Kris.
Sumagot naman si Carmina Villaroel and welcomed her sa K-drama world. Bukod dito, ang daming naka-relate na mga netizens at natuwa na “converted” na si Kris.





Comments