May tinanggal daw… KC, IBINULGAR ANG DAHILAN NG BIGLANG PAGPAYAT

Nitz Miralles / BIDA

HINDI magkasundo ang mga netizens kung tumaba o pumayat si KC Concepcion dahil sabi ng isa, pumayat ang aktres.
Nang tanungin si KC kung ano ang ginawa para pumayat, sagot nito, “No rice. I just east Adlai during the day and fish/chicken, and I walk for 30 mins each day.”
Pero may body shamer pa rin na nagsabing mataba si KC at ang sagot nito, “Hi dear, ‘pag pumayat ako, will you cheer for me or bash mo pa rin ako?”
In fairness, sumagot ang basher na itsi-cheer niya forever si KC, kaya lang, dinedma na siya nito.
Natuwa pala ang mga followers ni KC sa short convo nila ng amang si Gabby Concepcion na nag-post habang nagpapraktis kung paano gawin ang moonwalk.
Sabi ni KC, magpapraktis din siya ng moonwalk na sinagot ni Gabby na tuturuan niya ang anak.





Comments