Kung dati kay Luis, 'di natuloy… KRIS, TODO-ALOK NA NAMAN NG SARILI NA MAG-NINANG SA KASAL NI AN

Beth Gelena / BULGARY FILES

BUMABAHA sa online world ang congratulatory messages para sa newly engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce, celebrities man o mga common tao.
Lahat sila ay masaya para sa maganda at mahusay na aktres ng The General’s Daughter.
Sa IG post ng celebrity couple, simpleng proposal lang ang ginawa ng movie producer na si Neil kay Angel.
Lahat ng bumati kay Angel ay kanyang sinasagot, Kapamilya man o Kapuso.
Si Kris Aquino na kung tawagin niya ay ‘ate’ ay isa rin sa mga bumati sa engaged couple. May kasamang tanong ang pagbati ng Queen of All Media kay Angel.
Ani Krissy, “Ninang pa rin ba ako?”
Sagot ni Angel, “@krisaquino Yes, please ate!!! Please be our ninang!”
Dinugtungan pa ni Kris ng, “Naghanda ka, Gel, ganda ng nails, eh..”
“Ayokong ma-bash mo, Ninang!!! Hahaha… Love you, ate,” sagot naman ng aktres.
Matatandaang nagboluntaryo ang TV host-actress na maging ninang ni Angel sa kasal nu’ng kasalukuyang boyfriend pa ng aktres si Luis Manzano.
Wala pang detalye kung kelan at saan magaganap ang kasal nina Neil at Angel.
Hindi rin nakaligtas sa mata ng mga netizens ang engagement ring na suot ni Angel. Nangungusap daw ito dahil sa laki ng bato ng singsing, huh!!!
Ayon kay Angel, siya man ay kinakabahan, pero masaya sa bagong yugto ng tatahakin niyang buhay.
Sa ngayon, ang paghahandaan daw nila ng fiancé ay ang paghahanap ng venue at wedding planner.
Samantala, may nag-react sa sagot ni Angel nang batiin siya ni Kathryn Bernardo.
Ani Angel, “Salamat Kath… susunod na rin ba kayo.. hehehe?”
Heto naman ang tanong ng isang netizen, “Kelan naman kaya sina Luis at Jessy? May plano bang magpakasal ang dalawa?”
‘Yun na!!!





Comments