Rider dedbol sa poste
Pabs Hernandez III
Jun 30, 2019
1 min read
ILOCOS NORTE—Isang rider ang namatay nang aksidenteng bumangga sa poste ang kinalululanan nitong motorsiklo, kamakalawa sa bayan ng Pasuquin sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Remegio Callanga, residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Callanga kaya bumangga ang motorsiklo nito sa poste.
Dinala pa ng mga saksi si Callanga sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments