Minahan gumuho, 36 todas
- Jersey Sanchez
- Jun 30, 2019
- 1 min read
GUMUHO ang copper at cobalt mine na ikinasawi ng 36 katao sa Lualaba Province sa Southeast DR Congo.
Napag-alaman na gumagawa ng iligal na pagmimina ang mga nasawi. Talamak umano sa naturang lugar ang iligal na pagmimina dahil ito ang ikinabubuhay ng mga tao roon.
Gayunman, maraming minero rin ang sugatan habang sinisi ni Lualaba Governor Richard Muyej ang iligal na minero sa insidente.





Comments