top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga benepisyong maaaring makuha ng mga SSS member na OFW, alamin!

Thea Janica Teh
Jun 30, 2019
2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Binigyang-diin ng Social Security System (SSS) na tungkulin ng ahensiya na ipatupad ang mga probisyon na itinakda sa ilalim ng Batas Republika 11199 o ang Social Security Act of 2018 na nakabatay at desisyon ng mga mambabatas na makapagbigay ng makabuluhang social protection sa mga Pilipino sa bansa at sa ibang bansa.

Ginanap ang pagdinig noong Marso 1 at 4 sa Cebu at Maynila habang nagkaroon ng hiwalay na pampublikong konsultasyon noong Abril 29 tungkol sa mandatory coverage ng mga OFW sa ilalim ng SSS Act of 2018.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Filipino Association of Mariners’ Employment, Inc., Philippine Association of Service Exporters, Inc., Joint Manning Group, Associated Marine Officer’s and Seamen’s Union of the Philippines at Coalition of Licensed Agencies for Domestic and Service Workers, Inc.

Pinaalala ng SSS na maaaring magamit ng mga OFW ang benepisyo sa pagkakasakit, panganganak, pagreretiro, pagpapalibing, pagkamatay at pagkawala ng trabaho.

Ayon sa datos ng SSS, umabot lamang sa 325,601 ang bilang ng mga OFW na nakapagbayad ng isang buwang kontribusyon. Ito ay higit na mababa kumpara sa 2.3 milyong OFWs na naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa pinakabagong istatistika ng Philippine Statistics Office mula Abril hanggang Setyembre 2018.

Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ng SSS, ang pagtaas ng koleksiyon ay bunga ng agresibong pangongolekta dahil sa Run After Contributions Evaders, ang bersiyon ng SSS ng Operation-Tokhang at ang pag-iisyu ng Warrant of Distraint, Levy and Garnishment sa mga delingkuwenteng employer.

Gayundin, ipinaliwanag ng SSS na hindi lahat ng 36 milyong rehistradong miyembro sa SSS ay tuluy-tuloy na nagbabayad ng kanilang buwanang kontribusyon. Ang ilan sa kanila ay nagparehistro lamang upang makakuha ng SSS number habang ang iba naman ay isang beses lamang na nagbayad ng kanilang kontribusyon.

♥♥♥

Kamakailan lamang ay nag-courtesy visit si SSS Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio kay Mandaluyong City Mayor Carmelita A. Abalos noong June 14.

Napag-usapan ng dalawa ang mga plano para sa mas magandang serbisyo sa mga pensioner na taga-Mandaluyong. Ilan pa sa kanilang mga napag-usapan at nagplano para sa mga residente at miyembro ng SSS sa Mandaluyong City ay ang SSS New Panaderos Branch ay makikiisa sa “Pamahalaan sa Pamayanan” na programa ng Mandaluyong Local Government Unit. Ito ay ginaganap tuwing Sabado para pag-usapan ang public service ng bawat barangay. Magkakaroon din ng SSS employee sa Municipal Hall para maibigay ang tamang orientation at mga benepisyong makukuha ng SSS member.

Simula pa lang ito ng SSS na makipag-partner sa mga LGU para lubos na mapalapit sa mga miyembro nito saanmang sulok ng Pilipinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page