Mali-maling Ingles ng poser, inokray… NETIZEN KAY LEA: MANLALAIT AT MAYABANG
- BULGAR

- Jun 30, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

NAG-WARNING si Lea Salonga sa kanyang mga fans through her Facebook account dahil may gumagamit umano ng kanyang account.
Ani Lea, “There’s someone has been using my name and profile picture to solicit money from my fans. I would never do that, ever. Not in a million years.”
Babala ng singer, kapag may natanggap na mensahe gamit ang kanyang pangalan and asking for money, i-report daw agad o i-block.
Pinuna pa ng Broadway singer ang pag-compose ng mensahe ng poser at sabay lait ng... “My God, talk about murder of the English language.”
Pero, imbes na kumampi kay Lea ang netizen at ikalat sa social media ang mensahe niya, sinabihan pa siyang manlalait at mayabang.
Isang fan naman ni Lea ang nagtanggol sa kanya, “Malamang kasi inis siya. Pinagkakakitaan siya by falsely using her name, and it’s an insult to her command of the language when the faker cannot even coherently write sentences.”





Comments