Habang nagdiriwang ng Independence Day | 16 PATAY SA STAMPEDE
PATAY ang 16 katao matapos ang stampede sa Madagascar.
Ito ay matapos ang pag-alis ni Rwanda President Paul Kagame.
Naganap ang insidente sa entrance ng stadium sa Antananarivo habang isinasagawa ang pagdiriwang ng ika-59 taong pagkakalaya nila sa France.
Bukod sa mga nasawi, mayroong 100 iba pa ang sugatan.
Agad binisita ni Madagascar President Andry Rajoelina at mga opisyal ng gobyerno ang mga nasugatang biktima na nasa pagamutan.
Ito na umano ang pangalawang insidente sa stadium kung saan ang una ay noong Setyembre 2018, 40 soccer fans ang nasawi nang magpumilit na pumasok sa soccer games ang mga ito.





Comments