Wanted na rapist tiklo
Pabs Hernandez III
Jun 29, 2019
1 min read
TAWI-TAWI—Isang wanted na rapist ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Pahut, Bongao sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Renato Molejon, residente sa naturang bayan.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Molejon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin ito ng mga awtoridad sa nasabing barangay.





Comments