Umaapaw na tubig sa fishing port

Salaminin natin ang panaginip ni Jamie ng Jamie_Sunshine@facebook.com
Dear Professor,
Ano kaya ang ibig sabihin ng umaapaw na tubig sa fishing port?
Naglalakad ako kasama ang taong hindi ko kilala, tapos, daraan kami sa fishing port, pero hindi ako makatingin at makalusong dahil sa sobrang takot ko sa mataas na tubig.
Sana, masagot ninyo ito.
Salamat!
Naghihintay,
Jamie
Sa iyo Jamie,
Minsan, umaapaw ang mga biyaya na dumarating sa tao kung saan halos hindi niya ito mapaniwalaan.
Ang panaginip mo ay nagsasabing, mag-uumapaw ang kaligayahan mo dahil sa mundo ng mga panaginip, ang tubig ay kasingkahulugan ng kaligayahan.
Sa reyalidad, ang kakapusan ng tubig ay ayaw na ayaw ng lahat. Dito sa mundo, isa sa pinakamahalagang bagay ay ang tubig dahil ang totoo, ang tubig ay nagbibigay ng buhay.
Kaya ang umaapaw na tubig ay umaapaw na buhay, kumbaga, masayang-masaya.
Totoong nakatatakot ang biglaang pagdami ng tubig, gayundin, ang ugong at alon ng malakas na tubig.
Pero, totoo rin na ang mga suwerte, kapag biglang dumating sa buhay ng tao, kahit pa siya ay sobrang tuwa, siya rin ay may takot na madarama.
Dahil sa panaginip ay daraan kayo sa fishport, lakasan mo ang loob mo na tahakin ang landas ng buhay na iyong nilalakaran ngayon dahil habang binabagtas mo ang iyong sariling landas, darating nang bigla ang nakatatakot at nakamamanghang pangyayari sa buhay mo, pero kalakip nito ay ang nasabi na sa unahan na kaligayahang ngayon mo pa lang mararanasan.
Muli, tahakin mo ang landas ng buhay na iyong nilalakaran dahil habang binabagtas mo ito ay sasalubungin ka ng iyong nakanenerbiyos na kaligayahan.
Hanggang sa muli, Professor Siegusmundo del Mundo





Comments