SAMBO TEAM, MALAKI ANG TSANSA SA SEAG NANG MAGHARI SA INDONESIA
- BULGAR

- Jun 29, 2019
- 1 min read

SIYENTO porsiyentong tiwala ang mga opisyal ng Pilipinas Sambo Federation, Inc. na magagawang makapagbulsa ng medalya ng koponan sa biennial meet na gaganapin sa Disyembre sa bansa.
“May pitong events po ang Sambo sa SEA Games, and we’re hopefully to win five gold medals,” ayon kay coach Ace Larida sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) noong Huwebes sa National Press Club, Intramuros.
Sang-ayon naman kay coach Paulo Vintug sa weekly sports forum na paninindigan nila ang 2 ginto, dalawang silver at isang bronze medals na nasungkit ng Team Philippines sa 2nd Southeast Asia Sambo Championship na ginanap sa Bandung, Indonesia.
Naka-gold medal sina Chino Tancontian at Patrick Manicad sa 82 kgs. men’s sports Sambo at 82 kgs. men’s combat sa bigating torneo. “Malaki po ang tsansa natin. Although, sambo is practically new sa ating mga kababayan, matagal na po ang sports sa atin. We have fighters in Davao and other parts of Mindanao and Luzon. The sports is the amateur side of mixed martial arts,” ayon pa kay Vintug sa forum na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Community Basketball Association (CBA), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), NPC at HG Guyabano Tea. (MC)





Comments