Patay sa brain fever sa India, 150 na
- Jersey Sanchez
- Jun 29, 2019
- 1 min read
UMABOT na sa 150 kabataan ang nasawi dahil sa brain fever sa Bihar State, India.
Inatasan na ng Mataas na Hukuman sa India ang pamahalaan na ipaliwanag ang mga ginagawa nitong hakbang para malabanan ang Acute Encephalitis Syndrome (AES).
Pinaniniwalaang nakukuha ang sakit sa pagkain ng hilaw na lychee.
Batay sa datos ng mga awtoridad, nasa 152 bata na ang nasawi sa Eastern State ng India at mayroong 131 pa ang ginagamot sa dalawang ospital.
Sa nakalipas na sampung taon, mayroong mahigit 1,350 bata ang nasawi sa naturang sakit.
Ang brain fever ay pamamaga ng utak na karaniwang nakaaapekto sa mga undernourished na bata sa edad na 10 pababa.





Comments