Pahayag ng PhilHealth sa isyung fake OR, alamin!
Bulgarific
LABIS na ikinalungkot ng PhilHealth ang lumabas na balita tungkol sa pekeng PhilHealth Official Receipts (PORs) na nagmula sa liaison officers ng ilang recruitment agency na nakuha sa mga OFW member para sa kanilang premium contribution.
Agad itong inaksiyunan ng PhilHealth at bibigyan ng karampatang penalty sa mga guilty at para maprotektahan ang pondo ng National Health Insurance. Si Mr. Dennis Mas, dating Regional Vice-President for NCR na ngayon ay Senior Vice-President for Management Services ang nanguna sa imbestigasyon sa modus na ito. Agad ding nakipagtulungan ang dating PhilHealth President and CEO Alexander Padilla sa National Bureau of Investigation (NBI).
Gayundin, nilinaw ng PhilHealth na ang nailabas na fake receipt ay nagkakahalagang Php1.2 milyon lamang at hindi Php17.4 milyon. Sinisigurado rin ng PhilHealth sa mga miyembro nito na hindi naapektuhan ang kanilang pondo at walang nawala.
Halos Php208, 800 na ang nakolekta mula sa identified recruitment agencies at patuloy na naghihintay ang PhilHealth sa iba pang recruitment agencies na makapagbayad sa kanilang multa. Maaaring magpasa ng demand letter at i-endorse ang mga kaso sa Legal Services Unit ng PhilHealth-NCR para sa agarang aksiyon.
Ipinababatid din ng PhilHealth na walang kahit sinong PhilHealth personnel ang involve sa ganitong modus. Ang modus na ito ay umikot lamang sa mga liaison officer ng recruitment agencies.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments