top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

NLEX, PINAHIRAPAN SA RUTA, RAIN OR SHINE, NASILAT PA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 29, 2019
2 min read

DUMAAN sa butas ng karayom ang NLEX Road Warriors matapos nilang silatin ang Rain or Shine Elasto Painters, 100-97 sa PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum, kahapon.Nagtala si import Olu Ashaolu ng 26 points, 13 rebounds at anim na assists upang ilista ang 2-7 baraha para sa Road Warriors.

Ipinaramdam ng Road Warriors ang kanilang lakas sa unang dalawang periods nang hawakan nila ang 13-point lead, 51-38 sa halftime.Patuloy ang magandang laro ng NLEX sa third period, nasa unahan pa rin sila, 81-64 papasok ng fourth.Naging matatag ang NLEX sa playoff period kaya naman nakuha nila ang importanteng panalo.

Samantala, pakay ng Magnolia Hotshots na kahigin ang five-game winning streak pagharap nila sa Meralco Bolts ngayong alas-5 ng hapon sa MVA City Coliseum sa Zamboanga.Tangan ang 4-2 karta, muling huhugot ng puwersa si Magnolia head coach Chito Victolero kina import James Farr, locals Paul Lee, Mark Barroca at Jio Jalalon.

Impresibo ang huling laro ng Pamabansang Manok Hotshots nang tambakan nila ang San Miguel Beer.

“Medyo maganda na uli ang takbo ng laro namin. Maganda ang inilalaro ng locals with our import, and James Farr has had his improvement. Mapayat na at medyo mas kondisyon na,” saad ni Victolero.Posibleng mangapa ng bahagya ang Hotshots dahil bago ang reinforcement ng Bolts.

Tinapik ng Meralco ang serbisyo ni Delroy Adrian James, pinalitan nito si Gani Lawal.

Si James ay tubong Berbice, Guyana, ang kanyang pamilya ay tumungo ng United States noong 1990.

May karanasan na rin sa paglaro sa international competitions ang 32 anyos na import kaya inaasahang magpapakitang-gilas agad ito para kalsuhan ang three-game skid ng Meralco. (ATD)

Laro ngayon: (MVA City Coliseum) 5:00 p.m. - Magnolia vs Meralco

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page