top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Misis na nakararanas ng pananakit sa kamay ng kanyang mister

ROMA AMOR
Jun 29, 2019
1 min read

Dear Roma, Tawagin na lang ninyo akong Jane, may asawa ako at halos apat na taon na kaming nagsasama, gayundin, may isa kaming anak. Bago kami nagpakasal, tatlong taon ding kaming naging magnobyo’t nobya. Sa mahabang panahon ng pagsasama naming dalawa, napatunayan ko sa sarili kong mahal na mahal talaga niya ako at hindi rin matatawaran ang pagiging ama niya sa anak namin. Botong-boto rin si mama sa kanya at ang mga kapatid ko dahil nakikita nila kung gaano kabait sa akin ang asawa ko. Pero, isang araw, nagkaroon kami ng alitan dahil sa selos kahit na wala akong iba at mahal ko talaga siya. Ang sagutan namin ay nauwi sa pananakit na akala ko ay hindi na mauulit. Makalipas ang isang linggo, naging mas grabe ang pananakit niya sa akin. Tinitiis ko ito dahil iniisip ko ang anak namin at para sa kapakanan ng kasal namin. Tama bang tiisin ko na lang ito? — Jane

Jane, Alam mo, iha, kapag sinaktan ka ng asawa mo, gawan mo na kaagad ito ng aksiyon, kumbaga, iwanan mo na siya. Normal na maisip mo na baka nabigla lang ang asawa mo, pero kapag nagawa ng lalaki na saktan ang asawa niya, asahan mo nang mauulit at mauulit lang ito. Ang maipapayo namin sa iyo ay iwanan mo na siya at dalhin mo ang anak ninyo nang sa gayun ay ma-realize niya na mali ang ginagawa niya. Kung iniisip mo ang kapakanan ng inyong kasal, siguradong maiintindihan ka ng Diyos kung iiwanan mo ang iyong asawa dahil nahihirapan ka na. God bless sa iyo!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page