Mag-ama dedbol sa mga armado
- Pabs Hernandez III
- Jun 28, 2019
- 1 min read
MAGUINDANAO—Namatay ang mag-amang lulan ng motorsiklo nang pagbabarilin sila ng mga hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Saniag, Ampatuan sa lalawigang ito.
Kinilala ang mag-amang biktima na sina Orlando at Michael Santos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Nabatid na habang magkaangkas sa motorsiklo ang mag-ama ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang mga biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa mag-amang biktima.





Comments