Drug trafficker tepok sa buy-bust
NUEVA ECIJA—Isang drug trafficker ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Caanawan, San Jose City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Joselito Gonzales, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa buy-bust operation si Gonzales, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan para mapatay si Gonzales.





Comments