WRIGHT BIDA SA FUELS; P800-M OKS NA SA SEAG


BINULAGA ng Phoenix Fuel Masters ang NorthPort Batang Pier matapos ikahon ang 97-87 panalo kagabi sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.
Tumikada si Matthew Wright ng 28 points, anim na assists at 5 rebounds upang tulungan ang Fuel Masters na ilista ang 3-4 karta.Ganadong maglaro ang Fuel Masters sa unang dalawang periods matapos nilang hawakan ang four-point lead, 43-39 sa halftime.Nakipagsabayan pa rin ang Phoenix sa 3rd canto, nanatiling nasa unahan, 64-61 papasok ng 4th quarter.
Samantala, nakaka-isang laro pa lang si Stanley Pringle sa Barangay Ginebra Gin Kings ay puring-puri agad siya ni 2018 Best Import Justin Brownlee.Kahit hindi pa masyadong gamay ni dating NorthPort Batang Pier star point guard Pringle ang kanyang mga kakampi sa Ginebra at sistema ng laro ay maganda ang naging resulta ng kanilang laro.
“He can make the game easier for everybody, not just me or any individual, him being able to do what he can do to make things easier for us,” saad ni Brownlee.
Sumang-ayon si Gin Kings head coach Tim Cone sa sinabi ni Brownlee. “The thing that Stanley does, is he makes everybody around him much better, just because he’s a big threat. We have a lot of confidence when we’re playing with him,” ani Cone. Samantala, naglabas ng halagang P842 milyon ang Philippine Amusement and Gaming Corporation para sa infrastructure projects ng Philippine Sports Commission. Ayon sa isang PSC Press briefer kahapon, mismong si Andrea Domingo, Chairwoman ng PAGCOR ang nagkaloob ng tseke kay PSC Chairman William Ramirez para na rin sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino Stadium, RMSC football at track oval at MPA.
“We are trying to give you as much (help) as we can,” ayon kay Domingo. Tugon naman si Ramirez, “This is a good legacy of PAGCOR that under your watch, all 3 facilities will be rehabilitated at this level.” ( ATD)





Comments