top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Veteran actor, gusto raw gayahin… SUSAN, AYAW MAGBABU SA SHOWBIZ DAHIL KAY EDDIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 27, 2019
  • 2 min read

ISA ang beteranang aktres na si Susan Roces sa mga nagbahagi ng kanyang mga alaala sa ginanap na eulogy para sa namayapang aktor na si Eddie Garcia nu’ng Sabado nang gabi (June 22) sa Heritage Memorial Park na dinaluhan ng mga kasamahan sa showbiz industry.

Kilala ang aktres na malapit kay Eddie dahil sa pagiging matalik na magkaibigan nito at ng kanyang yumaong asawa na si Fernando Poe, Jr..

“Marami kaming peli­kulang ginawa, iba-iba ang character niya,” ani Susan sa ginanap na eulogy para sa namayapang si Manoy Eddie.

Inalala ni Susan ang mga ‘di makakalimutang sandali nila ng aktor na kanya ring nakatrabaho sa Ang Probinsyano.

Ikinasal ako kay Eddie Garcia sa pelikulang Maruja, pero pagkatapos ng wedding namin, ako’y uminom ng lason, dahil ang talagang nobyo ko roon ay si Romeo Vasquez,” kuwento ni Manang Inday.

Wala raw katulad ang masasayang alaala nila sa mga panahong magkasama sina FPJ at Manoy.

Madalas ang labas ni Eddie ay kontrabida ni FPJ, pero sa totoong buhay, sila ay matalik na magkaibigan. Eddie is much fun to be working with,” sabi pa ng beteranang aktres.

Bilang malapit na kaibigan, malaki rin ang pasasalamat ni Susan sa aktor, na isa sa mga unang dumamay sa kanya nang pumanaw si Da King.

“Ako ay nasa huling yugto na rin ng aking buhay. Noong mawala ang aking asawa [FPJ], ‘and’yan sina Eddie at Lilybeth [Lilybeth Romero], sila ang unang-unang nakiramay sa akin kasama sina Dolphy at iba pa naming kasamahan,” ani Susan.

Inspirasyon din para sa aktres ang pumanaw na kaibigan para ipagpatuloy pa ang kanyang propesyon bilang artista.

“Nag-isip-isip ako. Sabi ko, ‘Ano ba’ng gagawin ko ngayong biyuda na ako? Marahil, magre-retire na rin ako.’ Pero ‘pag nakikita ko si Eddie, ‘O, nagtatrabaho pa siya, mas matanda siya sa akin, ganu’n din si Gloria Romero. Sila ang naging inspirasyon ko na magpatuloy. Sabi ko, ‘Sila ang dapat kong tularan,’” aniya.

“Hindi sila nagpaayos ng mukha. Kung ano ang hinihingi ng role nila ay siyang ibinibigay nila nang naaayon sa natural na kaayusan ng kanilang makeup,” patuloy niya.

At bilang aktor, hanga rin si Susan sa kabutihan ni Manoy sa kanyang mga nakasama sa industriya.

“Hindi ko pa nakita si Eddie na nagalit o may kaaway. Wala pa akong narinig sa kanya. Hindi siya santo, pero wala akong narinig na hindi magandang pananalita tungkol sa ibang tao, kahit na tungkol sa pulitika, wala siyang komento. Ang sinasabi lang niya madalas ay pagpapatawa lamang,” sabi pa ng beteranang aktres.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page