Solenn, Angelica at Joanne, kaya pare-parehong hiniwalayan… DEREK, MAY HINAHANAP SA BABAE BAGO PAKAS
- BULGAR

- Jun 27, 2019
- 1 min read

PERFECT combination si Andrea Torres at ang hunk actor na si Derek Ramsay na magtatambal sa seryeng The Better Woman.
Parehong umaapaw ang kanilang sex appeal kaya tiyak na sizzling hot ang kanilang chemistry on screen.
Si Andrea, pantasya ng mga kalalakihan. Si Derek naman, pinapangarap ng lahat ng kababaihan. Kaya, swak na swak ang kanilang tandem sa bagong serye nila sa GMA Network.
Magsasanib-puwersa sa panonood ng The Better Woman ang mga fans nina Andrea at Derek.
Samantala, nag-react at umalma ang mga loyal fans ni Derek sa mga namba-bash sa kanilang idolo na tinawag siyang “playboy,” “paasa” at “makasarili”.
Unfair daw na kay Derek lang isisi ang lahat kung hindi man nagtatagal ang relasyon niya sa kanyang mga nagiging GF tulad nina Solenn Heussaff, Angelica Panganiban at Joanne Villablanca.
Hindi naman pinaglalaruan lang ni Derek ang emosyon ng mga babaeng nakakarelasyon. Minahal naman niya nang totoo ang mga ito kaya tumagal nang anim na taon ang bawat karelasyon niya.
Siguro lang, may isang bagay o katangian na hinahanap si Derek sa babaeng gusto niyang pakasalan.





Comments