Sakto ngayong tag-ulan, mga beshy! MGA PARAAN PARA MAGKAROON NG WASTE-FREE LIFESTYLE

TAG-ULAN na kaya marami sa atin ang naghahanda para rito, partikular ang mga barangay na may kani-kanyang pakulo para mahikayat ang kanilang mga nasasakupan na maglinis ng paligid upang maiwasan ang pagbaha. Narito, ang ilang paraan para magkaroon tayo ng waste-free lifestyle na hindi lang para sa pagpapabuti ng kalikasan ang maidudulot kundi maging sa atin mismo ay may epekto ito dahil malaki ang magagawa nito upang makatipid tayo:
1. NO MORE PLASTIC BAGS. Malaking trouble talaga ang plastik tulad ng mga plastic bag na lagayan ng mga pinamili sa palengke, grocery at iba pa, lalo na ngayon tag-ulan kasi ito ang pangunahing basura na dahilan ng pagbaha sa ilang lugar sa ating bansa. Kung babawasan natin ang pagkonsumo nito, paniguradong may magandang epekto ito sa bawat isa.
2. BRING YOUR OWN TUMBLER OR COFFEE MUG. Siguro, hindi hassle sa atin kung magkakaroon tayo ng sariling lagayan ng inumin. Malaking tulong ito sa ating kalikasan dahil maiiwasan natin ang pagbili ng plastic bottles. Isa pa, mas makatitipid tayo kung magre-refill na lang tayo ng tubig sa opisina o sa karinderya na malapit sa school.
3. GET RID OF USING PAPER. Hindi lang paggamit ng plastic container ang dapat nating iwasan kundi maging ang simpleng paggamit ng paper plates, tissue paper at iba pa dahil ang pagkonsumo ng mga papel ang dahilan kaya nagpapatuloy ang pagpuputol ng mga puno. Makabubuti kung magbabaon na lang tayo ng sariling bimpo o anumang pamunas at magdala na lang ng sariling tupperware na lagayan ng pagkain.
4. STAY AWAY FROM PACKAGED FOODS. Ito ay ‘yung mga nabibili nating naka-sachet na produkto. Ang mabuting gawin para maiwasan ito, puwede tayong bumili ng bulk o maramihan para magre-refill na lang tayo. Isa pa, mas makamumura tayo rito kumpara sa paisa-isa o paunti-unting pagbili ng produkto, make sure lang na pangunahing pangangailangan ito tulad ng asukal, powdered milk, kape at iba pa.
5. TRY COMPOSTING. Maraming nagsasabi na ang composting ang pinakamagandang bagay na magagawa natin sa kalikasan. Kaya imbes na itapon sa basurahan ang mga natirang pagkain, ipunin natin ito upang gawing pataba o fertilizer sa ating halaman.
Kailangan tayong maging responsable sa ating kalikasan dahil tayo rin ang makikinabang dito pagdating ng panahon.
Copy?





Comments