PINAY TORRES, KUMPIYANSA SA ONE MASTERS OF DESTINY
- Alvin Olivar/MC
- Jun 27, 2019
- 1 min read

DETERMINADONG magwagi ni Jomary “The Zamboanginian Fighter” Torres at magbalik ang pangalan sa winner’s circle sa One: Masters of Destiny sa Hulyo 12 kontra Malaysian hometown hero Jihin “Shadow Cat” Radzuan.
Nagwagi sa nakaraang bakbakan si Torres kung saan pinabagsak ng Pinay na magkakasunod sina Priscilla Hertati, Lumban Gaol, Mei Yamaguchi at Lin Heqin.
Masusukat na naman ang tibay ni Torres kay “Shadow Cat” Radzuan sa muling seryosong bakbakan sa mixed martial arts mula nang magtagumpay sa apat na professional bouts hanggang sa kapusin siya kay Team Lakay’s Gina Iniong.
Pero sa halip na malunod ang pag-iisip sa pagkatalo, mas pinili ng Zamboanginian Fighter na isiping isang aral ang mga karanasan.
Pinaghahandaan ni Torres ang laban kay Radzuan sa Axiata Arena sa Malaysia.
“It will be a good fight. Jihin is a good fighter,” ani Torres. “She’s strong and skilled. Both of us are hungry to win. I will give my best in this fight.” Sa kabila ng mahusay na porma ni Radzuan, naniniwala si Torres na ang kanyang pagsisikap at tiwala sa team ang magpapahiya sa Malaysian native sa sariling balwarte.





Comments