NPA todas sa engkuwentro
NORTH COTABATO—Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga rebelde, kamakalawa sa Bgy. Luayon, Makilala sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay kinikilala pa ng mga awtoridad ang napatay na rebelde.
Nabatid na nagpapatrulya ang mga sundalo ng Philippine Army (PA) nang makasalubong ang grupo ng NPA at dito naganap ang engkuwentro na ikinamatay ng suspek.
Patuloy pang tinutugis ngayon ng tropa ng pamahalaan ang iba pang NPA na tumakas matapos mapatay ang kasamahan nilang rebelde.





Comments