top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Nanlabang pusher patay

Pabs Hernandez III
Jun 27, 2019
1 min read

LAGUNA—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Lawa, Calamba City sa lalawigang ito.

Ang suspek ay nakilalang si Erick Masalonga, nakatira sa Bgy. Parian sa naturang lungsod.

Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Masalonga, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.

Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page