top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

May career pa sana sa edad niya… VETERAN ACTRESS, MALAKAS PA PERO ATRAS NANG UMARTE, AYAW DAW MAPAGO

Erlinda Rapadas
Jun 27, 2019
1 min read

BLIND ITEM:

MARAMI ang labis na nagtataka kung bakit ayaw nang tumanggap ng project sa TV o pelikula ng isang magaling umarteng veteran actress. Ang lakas-lakas pa naman ng kanyang katawan dahil health conscious siya at madalas ay nagdya-jogging pa.

Hindi pa siya gaanong matanda kahit senior star na. Mas maliksi at bata pa nga siyang tingnan kumpara sa ibang senior stars ngayon na aktibo pa rin sa showbiz.

Pero, ang veteran actress na ang umaayaw nang mag-showbiz at ilang taon nang ayaw umarte kahit maraming offers sa telebisyon at pelikula.

Katwiran ng veteran actress, financially stable na siya at hindi na kailangang kumayod nang husto at magpuyat sa taping o shooting. Ini-enjoy na lang daw niya ang kanyang buhay na stress-free.

Pero, ang tunay na dahilan kaya umaayaw na siyang mag-artista ay dahil sa hirap na siyang magmemorya ng script at nagkakaroon na siya ng mental block.

May Alzheimer’s disease na siya, hindi lang masyadong halata. Tanging ang malalapit na kaibigan at mga kasama niya sa bahay ang nakakaalam ng kanyang tunay na kondisyon.

At kami mismo, napatuna­yan ito dahil ilang beses niyang tinanong ang kasamang alalay nang dumalaw siya sa burol ni Eddie Garcia. Napakakulit na ni veteran actress!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page