top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Flood control projects, wa’ ‘wenta hangga’t may mga pasaway

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 27, 2019
1 min read

Sa pagpasok ng tag-ulan, tuluyan nang binaha ang ilang lugar.

Dahil dito, maraming residente ang nataranta dahil naapektuhan agad nito ang kanilang tahanan.

Kaugnay nito, siniguro na aabot sa 370,000 kabahayan ang makikinabang sa nakaabang na flood control projects ng gobyerno.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mayroong halos P350 bilyong pondo para sa higit 11 flood control projects na nakalinya hanggang 2023.

Dagdag pa ng ahensiya, magdaragdag at magkukumpuni sila ng mga water pumping station.

Hindi umano maipapangako ng ahensiya na tuluyan nang mawa­wala ang baha dahil mababa na ang sea level sa Metro Manila kaya ang mabilis na pagpapahupa ng baha ang kanilang target.

Gayundin, kukumpunihin ang 36 sa higit 600 water pumping stations sa Kamaynilaan dahil nasira ito sa rami ng basura na naiimbak sa mga ilog. Ayon sa MMDA, aabot sa 10 trak ng basura ang nahahakot nila kada araw sa ilang ilog at dumodoble pa ito tuwing tag-ulan.

Panawagan sa mga residente, ayusin ang pagtatapon ng basura dahil balewala umano ang flood control projects kung walang disiplina ang mga tao.

Hindi lamang dapat iasa sa gobyerno ang paglutas sa mga problema natin dahil kung nais natin ng maginhawang pamumuhay, pakiki­pagtulungan ang ating kailangan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page