2 tulak timbog sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Jun 27, 2019
1 min read
CAPIZ—Dalawang drug pushers ang nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa sa Bolo, Roxas City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Francis Villaranda at John Depiedra, kapwa residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng apat na sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments