top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nabuking na tinuhog sila… DONITA, NAGALIT KAY VINA DAHIL SA ISANG AKTOR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 26, 2019
  • 1 min read

NAGKABUKINGAN ang magkakaibigang Ruffa Gutierrez, Vina Morales at Donita Rose nang mag-guest silang tatlo sa programang Magandang Buhay. At aliw na aliw ang mga viewers sa kanilang mga throwback stories sa kani-kanilang love life.

Ibinuking ni Donita Rose na nag-away at nagtampo siya noon kay Vina dahil naka­relasyon din pala nito si Gary Estrada na ex-BF niya.

Si Ruffa naman, nabanggit din niya na nagkaroon sila ng tampuhan noon ni Karla Es­tra­da dahil kay Zoren Legaspi.

Isa pang sikreto ni Ruffa ay nang sabihin niyang nagka­roon sila ng away noon ng sister ni Vina na si Shaina Mag­dayao dahil sa isang guy na alam ng lahat na si John Lloyd Cruz ang kanyang tinutukoy.

Well, may mga anak na ngayon sina Ruffa, Vina at Donita at pare-pareho rin silang single mom.

They remained good friends kahit na bihirang magkita-kita at magkasama-sama. Sa kani­lang tatlo, si Donita raw ang pinakaligawin kahit na ito ay tahimik lang.

Si Ruffa, laging nai-intimidate ang mga manliligaw dahil sa kanyang mom na si Annabelle Rama na laging nakabantay at sinusuri ang mga nanliligaw sa kanya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page