Mag-utol huli sa dynamite fishing
AKLAN—Dinakip ng mga awtoridad ang magkapatid na mangingsida, kamakalawa dahil sa paggamit nila ng dinamita sa pangingisda sa karagatang sakop ng Bgy. Bugtongbato, Ibajay sa lalawigang ito.
Kinilala ang magkapatid na suspek na sina Oliver at Bigboy Mahinay, kapwa nakatira sa Bgy. Banica, Roxas City sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nahuli sa akto ng mga awtoridad ang magkapatid na suspek na nagpapasabog ng dinamita para makahuli ng isda.
Nakapiit na ang magkapatid na Mahinay at sinampahan na ng kasong paglabag sa Philippine Fisheries Code.





Comments