top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Madir, walang pinipiling lugar… RUFFA, SINABUNUTAN NI ANNABELLE SA HOTEL

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 26, 2019
2 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

GUESTS nu’ng Lunes sa Magandang Buhay ang magkakaibigang sina Ruffa Gutierrez, Donita Rose at Vina Morales.

Si Karla Estrada na isa sa mga hosts ng MB aside kina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros ay nagmistulang guest din dahil sila palang apat ang magbe-best friends mula pa nu’ng mga bago pa lang silang nag-aartista.

Masaya ang kuwentuhan ng magkaka­barkada, na ngayon lang nabubulgar dahil mga matured na sila. Higit sa lahat, pare-pareho silang solo parent.

May usapan ang magkakaibigan na ang kanilang mga sikreto ay ‘di dapat nabubulgar o nalalaman ng iba, pero ayon kay Karla, si Ruffa raw ang malimit magsabi sa iba ng kanilang secrets.

Sa kanilang apat, si Ruffa raw ang pinakamadaldal, samantalang behave si Vina at tahimik lang si Donita.

Sabi naman ni Ruffa, ang kai­bahan ng friendship nila ay talagang nandu’n ang genuineness kung samahan daw ang pag-uusapan.

“I think ang pinakaimportante na nagkakasama tayo, hindi kami fake sa isa’t isa. Lahat, puwede naming sabihin kasi alam na­min na hindi makakarating [sa iba]…” sambit ni Ruffa.

Disagree naman si Karla at sinabing, “Hindi kami sure sa ‘yo na hindi makakarating… Ruffa, sa ‘yo pa talaga nangga­ling… Kailangan namin siyang paalala­hanan [na] ‘Ruffa, sa atin lang ‘to!’”

“Ako talaga ang sinabihan ni Karla, eh, ako nga ang the most quiet person on earth,” depensa naman ng former beauty queen.

Hindi ru’n nagtatapos ang laglagan ng magkakaibigan, dahil nasabi pa nila na may common denominator silang apat — ang aktor na si Robin Padilla.

Kung si Karla ay ex-BF si Rommel na kapatid ni Robin, sina Ruffa, Vina at Donita ay pare-parehong na-link sa mister na ngayon ni Mariel Rodriguez.

Ayon naman kay Donita, hindi sila dumating ni Robin sa puntong ligawan, naging mag-partner lang sila sa isang pelikula.

Maging ang isa sa mga hosts ng MB na si Jolina na nananahimik at nakikinig lang sa apat ay nasama. Ibinu­king nilang nili­gawan din ito ni Robin.

Ibinahagi rin ni Donita kung paano siya pinagbubuntunan ng galit ng ina ni Ruffa na si Annabelle Rama. Marami raw siyang natatanggap na masasakit na salita sa ina ni Ruffa, puwera pa raw ang mga sulat nito sa kanya.

“Sabi ni Tita Annabelle, hinihiram ko raw ang panty ni Ruffa. Tapos, sa mga lakad ni Ruffa na hindi naman ako kasama, sinasabi niya na ‘I’m with Donita,’” kuwento ni Donita.

Ayon naman kay Vina, ni minsan ay hindi siya napa­galitan ni Annabelle, “Kasi Bisaya rin ako and my mom, magkaibigan sila.”

Aminado si Ruffa na talagang mataray ang kanyang ina.

“One time nga sa isang hotel, sinabunutan niya ako. Mabuti na lang, uso ang extension ng hair, kaya ayun ang nahila.”

Marami pang mga nakakaaliw na memories ang ibinahagi ng magkakaibigan na nakatutuwang panoorin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page