top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

LIVING LEGEND ‘BATA’ AT ‘DJANGO’ CHAMP SA TEXAS 9 AT 10-BALL

Eddie M. Paez, Jr.
Jun 26, 2019
1 min read

ITINANGHAL na pangkalahatang kampeon ang alamat ng Tarlac na si Francisco “Django” Bustamante nang dominahin nito ang mga bakbakan sa 10-Ball Open at sa 10-Ball Ring Game samantalang si Efren “Bata” Reyes ang nagwagi sa 9-Ball sa pagtatapos ng Chase The Champions Junior Norris Memorial Shootout 2019 sa palaruan ng Wichita Falls, Texas.

Hinablot din ni Bustamante, 56-taong-gulang na hari ng 2018 at 2019 Derby City Classic One Pocket tilt, ang huling upuan sa podium ng 9-Ball Open, para sa impresibong pagpapakita ng tikas sa pagtumbok sa multi-event na torneo.

Sa 10-Ball, pinangunahan ni Bustamante ang pagwalis ng mga Pinoy sa unang tatlong puwesto dahil pumangalawa sa kanya si Raymond Faraon at pumangatlo ang isa pang alamat ng pagtumbok mula sa Pilipinas na si Reyes. Ang kapwa Pinoy na si Roberto “Superman” Gomez ay dinaig ni Bustamante patungo sa trono ng 10-Ball Ring Game ng kompetisyon. Si Reyes din ang pumangatlo sa labanang ito.

Sa 9-Ball event naman na nilahukan ng 111 na manunumbok, isang matinding palabas ang nasaksihan ng mga apisyunado sa pagitan nina 2018 champion Rob Saez ng U.S.A. at ang pambato ng Pilipinas na si Reyes. Topnotcher sa winner’s bracket si Reyes kaya nakuha nito ang twice-to-beat na bentahe pagpasok sa finals kontra kay Saez na nangibabaw sa “one-loss” side. Sa unang laro, nasingitan ni Saez si Reyes, 9-8, kaya nagkaroon ng isang winner-take-all na tunggalian. Dito, isa pang hill-hill na resulta ang napanood pero sa dulo, namayani ang manunumbok na tinatawag ding “The Magician”, 9-8. Dalawang Pinoy cue artists ang bumuntot kina Reyes at Saez. Ito’y sina Bustamante pa rin (3rd) at Rodrigo “Edgie” Geronimo (4th).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page