top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

LEMONADA, MAINAM NA DEHADO SA 7 RACES

Ding Taboy
Jun 26, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

AARANGKADA ngayong gabi ang pitong karera na paglalabanan ng 3 Year Old & Above Maiden Race; Conditional Race Merge (10); Group Race (8) at Condition Race sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Napapalooban ng Winner-Take-All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 at Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six. Sa Race 1, bibitiwan ang 3YO & Above Maiden Race na dalawang kabayo ang nakikita ng mga miron ang maglalaban, ito’y sina Belle Esprit at Lava Walker.

Bibigyan ng panalo ang She’s My Princess, Star of Florjo at Genie Hello. Sa Race 2, magaganap ang Condition Race Merge (10) kasabay ng Pick 6 at pinapaboran ang Batang Highlander at posibleng tumalo ang couple entry na Mahogany Red at Elle Street.

Magaganap ang labanan sa Condition Race 22 ng Apo Moon, Lirpa’s Choice, Hello Junior at Daanbantayan sa Race 3 kung saan magsisimula sa Pick 5. Sa Race 4, maglalaban ang Highway Hills, Hiroshima, Batas Kamao at Mighty Pride na simula ng Pick 4.

Ipinapatok ang Bebang habang magsisilbing kalaban na mahigpit ang Prince Popeye at makikita ang Marino ng Tanglaw sa Race 5.

Magkakalaban ng mahigpit ang Lemonada, The Best Ever at Pax Britannica habang may laban din ang Warrior Flame at isama pa ang Quartet at ang ILove Jane sa pag-alagwa ng Race 6.

Sa Race 7, 13 kalahok ang maglalaban-laban para sa Super Six, Pentafecta at Quartet; ang Irene’s Dream, Ashley’s Gift, Hayley Margarette, Beyond D’ Sea at Moon Fire, paratingan ng WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4. Tips Ni Mang Ding: Race 1-Belle Esprit (12) Lava Walker (9); Race 2-Batang Highlander(4) Entry No.3 Race 3- Hello Junior (4) Apo Moon (1) Daanbantayan (7) Race 4- Highway Hills (1) Hiroshima (2); Race 5- Bebang (4) Prince Popeye (7) Race 6- Lemonada (8) The Best Ever (5); Race 7- Irene’s Dream (2) Ashley Gift (3) Raxa Bago (1)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page