HOROSCOPE | Hunyo 26, 2019 (Miyerkules)
- BULGAR

- Jun 26, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 26, 2019 (Miyerkules): Napabibilang ka sa mga taong may malalakas na karisma kaya madalas ang napalapit sa iyo ay nagayuma mo. Dapat mong isipin kung paano mo ito mapakikinabangan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakasisira ng ganda ang inis at galit. Kailangang makontrol mo ito dahil wala kang benepisyong makukuha sa mga ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-38-39-40-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malabong mabigo ang marunong magplano. Dapat mong malaman na hindi nakukuha sa biglaan ang pagkakaroon ng malalaking pangarap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-17-24-27-34-36.
GEMINI (May 21- June 20) - Nakatutuwa ang takbo ng iyong kapalaran, pero bigla ring hihinto ang suwerte mo. Pero, ngayon ay mananatili sa iyo nang matagal ang dating ng mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-16-20-24-31-39.
CANCER (June 21- July 22) - Kakapit sa iyo nang todo ang nagsabing ikaw ang kanyang suwerte, gaganda ang kapalaran mo ng dahil sa kanya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-13-29-30-43-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-ingat ka! Napaliligiran ka ng mga tukso at sa pagkakataong ito, sa biglang tingin ay mas malakas ang mga tukso kaysa sa mga nakaraang mga tuksong iyong tinalo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-18-24-27-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sumasarap ang luto kapag ang nagluluto ay masaya. Sumasarap ang tagumpay kapag ang nagsisikap ay masaya sa kanyang pagsisikap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-15-24-30-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawakan mong mabuti ang nasa sa iyo na. Gawin mo ito nang sa gayun ay matuwa ang langit at pagkakalooban ka ng mga biyaya na iniregalo sa iyo ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-14-15-21-26-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magpapahuli o magpapaiwan. Ang mas maganda ay ang umagwat ka nang milya-milya sa iyong mga kakumpitensiya. Kaya ang payo ay hindi ka dapat makuntento. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-18-26-27-36-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mabilis ang pag-asenso kapag hindi ka lilingon sa nakaraan lalo na kung lungkot at sama ng loob ang madarama kapag ang mga ito ay naaalala. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-19-24-25-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong isipin na ang salitang emosyon ay para lang sa biglaang galit dahil ito rin ay para sa biglaang pagkakagusto sa tao. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-18-20-24-33-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mabibigla dahil ang ngiti mo ngayon ay napakalakas na gayuma kung saan maaakit sa iyo kahit ang mga wala ng karapatan. Piliin mo lang ang iyong ngingitian. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-20-25-30-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon at sa ilang mga araw pang darating ay ang mga araw para sa iyong pag-ibig. Sobrang lakas ng puwersa ng pag-ibig at dahil dito, hindi ka masisisi kung ikaw ay umibig. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-15-28-31-39-42.




Comments