Agaw-eksena pa raw kesa pelikula ang pag-usapan… SUNSHINE, AYAW IPAPANOOD SA BF ANG SEXY MOVIE NIYA
- BULGAR

- Jun 26, 2019
- 2 min read

ALMOST three years nang karelasyon ni Sunshine Cruz ang boyfriend niyang si Macky Mathay. Pero kung si Sunshine ang tatanungin, ayaw pa niyang mag-level-up ang relationship status nila bilang married couple.
Hindi rin daw nila pinag-uusapan ni Macky ang tungkol sa kasal. At higit sa lahat, she’s enjoying her life so much.
Alam naman din daw ni Macky na ayaw niya pa munang magpakasal. Hindi rin pabor si Sunshine sa ideya na bigla na lang mag-propose ng kasal sa kanya si Macky.
“No, not now. We don’t talk about it and I don’t want to talk about it for now. I’m just focused on work right now, work and kids. I’m enjoying my life with my kids. Nand’yan naman siya. We’re there for each other. That’s what is important. ‘Yun na muna,” pahayag ni Sunshine nu’ng makausap namin siya sa set ng Cinemalaya movie niya titled Malamaya.
Dagdag pa niya, “Inspirasyon namin ang isa’t isa na maging better versions kami of ourselves. ‘Yun naman ang importante. Pero hindi muna kami pumupunta sa ganu’n, kasi in God’s time. Kung darating, darating. But for now, I’m very happy with my life, with my work, with my kids. And personal at trabaho, wala akong mahihiling pa.
“Nakuha ko na ‘yung matagal kong gustong annulment. So, chill-chill, happy-happy, relax-relax na lang. Mag-ipon na lang.”
Dalawang pelikula ang ginagawa ni Sunshine ngayon, ang 2019 Cinemalaya entry niya na Malamaya directed by two first time and both female directors na sina Leilani Chavez and Danica Sta. Lucia, at ang The Heiress.
Excited and proud si Sunshine sa Malamaya ‘di lang dahil siya ang female lead star ng movie kundi first time niya to do a film for Cinemalaya. Leading man niya si Enzo Pineda and co-starring with Raymond Bagatsing.
Poster pa lang ng Malamaya ay ang dami nang nag-comment nu’ng ipinost ni Sunshine sa kanyang social media account, kabilang na ang kanyang ‘tres Marias’ na mga anak at si Macky.
Definitely, ipapanood daw ni Sunshine ang Malamaya sa kanyang mga anak at kay Macky kahit na medyo sensuwal ang tema ng pelikula.
“Oo naman, papanoorin namin. Pero sabi ko nga sa kanya, ‘Maybe, kung kunwari, merong screening for the media, for the press and for other people, I think it’s not advisable for you to be there.’ Kasi sabi ko, ‘Imbes na ma-appreciate ‘yung merit ng movie, baka ‘yung maging reaksiyon mo ang pagpiyestahan ng ibang tao, which is also not fair for the movie.’”
Naiintindihan naman daw ‘to ni Macky.
“Kasi sa edad naman naming ‘to, chill na lang kami. ‘Yung relaxed na lang na parang ang dami na naming pinagdaanan sa buhay. Ang pinakamahalaga, we are loyal to each other. We are faithful. We trust each other.”
Tumpak!





Comments