top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mahigit 600 movies daw ang nagawa… BUONG SHOWBIZ, AGREE NA GAWING NATIONAL ARTIST SI MANOY EDDIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 25, 2019
  • 1 min read

AGREE ang buong movie industry sa panukalang gawing National Artist ang yumaong veteran actor-director na si Eddie Garcia. Pitong dekada ang ginugol niya sa mundo ng pelikula at nakagawa ng 600 na pelikulang nagmarka sa Pinoy moviegoers.

Nagampanan niya ang lahat halos ng role at naka­trabaho ang malalaking ar­tista. Nagka­mit na rin siya ng hindi mabi­lang na acting awards at recognition both as an actor and director.

Isa nang icon na maitu­turing si Manoy Eddie Garcia. Respetado siya ng mga kapwa niya artista. Maging ang malalaking action stars tulad nina Bong Revilla, Jr., Phillip Salvador, Robin Padilla, Lito Lapid at Coco Martin ay nagpupugay sa kanyang pagiging isang true and dedicated artist na propesyonal sa kanyang trabaho at naging bahagi ng kanilang showbiz career.

Balita namin, ang Star for All Seasons at congresswoman ng Batangas na si Vilma Santos ay dumalaw noong huling araw ng burol ni Manoy Eddie, ganu’n din ang senator-elect na si Lito Lapid na nakasama niya sa Ang Probinsyano.

Dumalaw din agad si Superstar No­ra Aunor sa unang araw ng wake sa Heritage Park at nagpadala ng flowers.

Sayang at hindi namin nahintay si Direk Carlo J. Caparas na dumating nang madaling-araw sa Heritage Park sa second night ng burol. Sina Erap, Imee Marcos at Manoling Morato ay dumalaw din.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page