Magsasaka tinepok ng riding-in-tandem
- Pabs Hernandez III
- Jun 25, 2019
- 1 min read
NUEVA ECIJA—Isang magsasaka ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. San Miguel, Guimba sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Eduardo Paginag, nakatira sa Bgy. Macamias sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Paginag ang kanyang motorsiklo ay dinikitan ito ng dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Paginag sa ospital, pero hindi na ito umabot ng buhay, samantalang, iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa naganap na krimen.





Comments