Aparato na kumukuha ng basura sa dagat, muling inilabas
MULING inilagay sa karagatan ang floating device na idinisenyo upang manguha ng plastic sa pagtatangkang linisin ang isla ng basura sa karagatang Pasipiko sa pagitan ng California at Hawaii o Great Pacific Garbage Patch.
Sa pamamagitan ng Twitter ni Boylan Slat, inanunsiyo ang proyektong The Ocean Clean-up na muling inilabas ang 2,000 foot o 600 meters na makina matapos masira nong nakaraang taon.
Unang hinila ng barko ang malaletrang “U” na pangharang mula San Francisco hanggang sa isang patch kung saan makakapagkulong ito ng basura.
Ang proyektong ito ay upang magbigay ng suporta sa isa pang bangka para kolektahin ang mga basurang nakuha at dalhin sa kapatagan.
Ngunit, sa unang beses na sinubukan ito, nasira ang aparato dahil sa malalakas na alon at hangin na hindi nakatulong sa pagpapanatili ng mga nakuhang basura.





Comments