Wanted na karnaper tiklo
BUKIDNON—Isang wanted na karnaper ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa Malaybalay City Hall sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Jan Kristoffer Balarias, tubong General Santos City.
Nabatid na sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte ay inaresto ng mga awtoridad si Balarias sa loob ng Malaybalay City Hall of Justice kaugnay sa kinahaharap nitong kasong carnapping.
Hindi naman nanlaban si Balarias nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.





Comments