top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

PASAY NILUPASAY ANG MUNTI; ZAMBOANGA, NILUNOD ANG PASIG

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 24, 2019
1 min read

NAUNGUSAN ng Pasay ang title contender at home team Muntinlupa, 76-75 sa isang overtime period upang manatiling walang talo matapos ang dalawang laro sa MPBL Season 3 sa Muntinlupa Sports Complex noong Sabado ng gabi.

Nagpakawala ang determinadong forward na si Elvin Chan ng 11 marka sa ekstrang peryodo nang pigilan ng Voyagers ang Cagers na hindi makaiskor makaraan ang dalawang laro sa pinakamabilis lumagong regional amateur basketball league.

Namuno si Jan Jamon, isa sa naging pambato ng team para sa Voyagers sa bisa ng 15 puntos habang si AA Iñigo ay may 13 puntos.

Nagpakitang-gilas din si Dhon Reverente, isa sa recruits ng Voyagers noong off season na ikinatuwa ng Muntinlupa crowd.

Si Reverente ay naging bahagi ng Cagers squad sa unang dalawang seasons sa liga, pero nagpasyang lumipat sa Pasay nang malamang si long-time coach Keith Martin ang magko-coach ng Voyagers. Sa pagbabalik niya sa Cagers den, umiskor siya ng 10 puntos at mainit naman ang pagtanggap sa kanya ng fans.

Sa unang laro, muling nagpamalas ng double-double performance si Harold Arboleda para sa Zamboanga Family Brand Sardines para sa unang panalo sa torneo kasunod ng 82-69 win laban sa Pasig-Sta. Lucia Realtors. Nagtapos si Arboleda ng 11 puntos at 16 rebounds para sa kanyang ika-22 double-double performance, pinakamarami sa lahat ng players ng MPBL.

Pero hindi lang si Arboleda ang tumibag sa Pasig na suportado ng SLR ni Buddy Encarnado. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page