top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Next Sabado Nights Girl daw… INA RAYMUNDO, GUSTONG IPASA ANG KORONA KAY JULIA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 24, 2019
2 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

SA edad 43 ay very young pa ring tingnan ang seksing aktres na si Ina Raymundo, ang may hawak ng koronang “Sabado Nights” girl ng San Miguel Beer na hanggang ngayon ay kanya pa ring tag.

Kamakailan ay muling gumawa ng Walang Iwa­nan music video ang nasabing inumin at naimbitahan ang aktres.

Halos dalawang dekada nang naka-tag ang Sabado Nights girl kay Ina at hanggang ngayon ay wala pang pumapalit sa kanya. Nineteen years old lang noon ang aktres.

Sa interbyu ng aktres, natanong siya kung ipapasa raw ba niya ang kanyang title sa anak na si Erika Poturnak na 17 years old lang.

Sagot ng aktres, gusto niya at gusto rin ng anak niya.

“Siyempre, ‘pag nasa tamang edad na siya, I would love her to be the next Sabado Nights girl.”

Pero kung may iba raw na magiging Sabado Nights girl, susuportahan naman niya. Ayaw daw kasi niyang isipin na kailangan, sa kanya lang ‘yung titulo.

“But, if ever na may next Sabado Nights girl, I wish it’s my daughter, Erika. That would be so nice.”

Ang isa pa raw na nakikita niyang karapat-dapat na Sabado Nights girl ay si Julia Barretto.

“Bagay din sa kanya, eh. She’s a fun-loving girl. Kailangan, fun-loving, eh,” esplika ni Ina.

Pinasalamatan ni Ina ang naturang inumin dahil hanggang ngayon, after so many years ay hindi siya iniiwan ng mga ito.

“Every time I’m part of their events, I feel na parang, ‘Wow!’ Feeling ko, I’m back in my prime age. Feeling ko talaga, nababalik ako ru’n sa Sabado Nights na era, na sobrang fun, I feel good, I feel young, I feel energetic, and it just feels so happy.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page