top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

May bagong papa sa Tate… SUGAR, BABU NA KAY WILLIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 24, 2019
1 min read

BABU na sa Wowo­win si Sugar Mer­cado na co-host ni Willie Re­villame sa show. Por­mal nang nagpaalam kay Wil­lie si Sugar na lili­pad na pa-Ame­rika kasama ang dala­wang anak na babae.

Todo-pasalamat naman siya kay Kuya Wil dahil kinuha si­yang co-host ng Wo­wo­win at malaking tulong ‘yun upang maitaguyod ang kan­yang dalawang anak.

Well, magse-settle for good na kaya si Sugar sa USA? May special someone ba siyang susundan sa USA kaya mas pinili niya ito kesa sa kanyang showbiz career? Hindi kaya niya ma-miss ang Wowowin?

Anyway, may isang bagong co-host si Willie sa Wowowin bukod kay “Hipon Girl” na si Herlene Budol ng Angono, Rizal. Siya ay si Almira Teng, kapatid ng mga basketbolistang sina Jeron at Jeric Teng.

Magsasanay siyang maging co-host ng Wowowin.

Samantala, lumalakas ang following ng Hipon Girl na si Herlene. Gustung-gusto ng studio audience ang kanyang pagiging natural na kikay at jologs.

Payo lang ng mga televiewers, sana, bigyan ng speech training si Herlene dahil mali-mali ang diction at grammar niya. At sana rin, maipaayos ang ngipin ni Hipon Girl dahil nakaka-distract daw ito. Bigyan na rin ni Willie ng stylist o sponsor ng damit upang magmukha namang artistahin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page