top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

HOROSCOPE | Hunyo 24, 2019 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 24, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 24, 2019 (Lunes): Hindi masama ang tumulong sa taong malapit sa puso mo, pero ang mas ma­ganda ay magamit mo ang iyong suwerte para sa sarili mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Labanan mo ang pakiram­dam na hin­di umaabante ang bu­hay. Ang mas magan­dang ilagay mo sa iyong isipan ay ang katotoha­nang kumukuha ng ma­lakas na buwelo ang mga su­werte mo. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-20-23-39-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kuma­pit ka sa mga makalumang patakaran ng buhay. Ito ang susi nang sa gayun ay hindi ka matangay ng tukso na sa totoo lang ay sobrang malakas ang dating. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-19-21-28-30-34-35.

GEMINI (May 21- June 20) - Hi­kayatin mo ang taong malapit sa puso mo nang sa gayun ay harapin niya ang bagong umaga nang masaya. Pero, tandaan mo, mali na mahulog ka sa kanya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-27-31-32-37-42.

CANCER (June 21- July 22) - Paghan­daan mo ang iyong kinabu­kasan. Huwag kang tumu­lad sa iba na nabubuhay lang sa kasalukuyan. Mag­saya ka at maglibang, pero muli, paghandaan mo ang iyong kinabukasan. Ma­su­werteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-12-14-28-30-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nor­mal na kaga­napan na ang araw ay papa­litan ng gabi at darating ang bagong umaga. Ipana­tag mo ang iyong kaloo­ban, wala kang dapat ipag-alala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­­teng kulay-pink. Tips sa lotto-3-11-14-26-34-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pansinin ang mga taong pa­nay ang kontra sa iyo. Ang totoo, kapag nanahimik ka, ang mga suwerte na nasa kanila ay magsisili­pat sa iyo. Ito ang mensa­he para sa iyo. Masuwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-18-22-25-31-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sisingit sa ka­palaran mo ang pangya­yaring ipagpapalagay mo na hin­di maganda para sa iyo. Ang totoo, kaila­ngang ma­ganap ang mga ito ng ma­bigyang-daan ang mga suwerte mo. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-15-16-20-21-25.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Guma­ganda ang tak­bo ng iyong ka­palaran. Hindi sapat ang nadarama mong lung­kot para masabing hindi ka na mapalad. Ito ang men­sahe ng iyong kapa­la­ran ngayon. Masuwer­teng ku­lay-black. Tips sa lotto-13-17-28-31-37-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pilitin ang ayaw ma­kiisa. Maraming puwedeng makatulong sa iyo. Ang to­too nga, hinihintay ka lang nila na gawin mo si­lang bahagi ng iyong ma­gandang proyekto. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-18-21-26-31.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Nag-a­abang pa rin sa lan­das ng buhay na iyong ti­natahak ang mga suwer­teng noon ka pa hinihin­tay. Ito ang mensahe ng iyong kapa­laran. Masuwer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-15-17-20-25-30-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Punan mo ang kulang sa iyo at bawasan mo ang sobra. Kulang ka sa pagtutok sa pangarap mo at nasobrahan ka sa pag­sa­saya at paglalakwatsa. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-16-25-26-37-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong ipilit ngayon ang gusto mo, pero panatilihin mo itong gusto. Maghintay ka ng magandang tiyempo at ito ay malapit ng mangyari. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-18-25-27-34-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page