Ginang sinaksak ng lasing
TARLAC—Isang ginang ang sugatan nang saksakin ng lasing, kamakalawa sa Bgy. San Isidro, La Paz sa lalawigang ito.
Ang biktimang ginagamot sa ospital ay kinilalang si Marites Samonte, samantalang, ang suspek ay si June Remegio, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanyang bahay si Samonte ay tinawag ito ni Remegio at nang lumabas ang biktima ay bigla itong pinagsasaksak ng suspek.
Pinaghahanap na ng pulisya ang suspek at inaalam na rin ang motibo nito sa pananaksak sa biktima.





Comments