top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Babaeng dumaranas ng one-sided love

ROMA AMOR
Jun 24, 2019
1 min read

Dear Roma, Ako si Amira, nahihirapan na ako dahil ‘yung mahal ko ay walang pakialam sa akin. Akala ko dati, biro lang ang sinasabi ng iba na “paano kapag hindi ka crush ng crush mo?”, pero mali pala ako. Ano ang dapat gawin kapag hindi ka mahal ng mahal mo? — Amira

Amira, Sadyang mahirap ang tinatawag na “one-sided love” o ‘yung habang mahal na mahal mo siya, eh, hindi ka naman niya mahal. Sa totoo lang, masarap mangarap at umasang may nararamdaman din para sa iyo ang taong mahal mo. Ngayon, kung feeling mo ay hindi ka niya mahal, mahirap man, pero i-let go mo na ang feelings mo sa kanya dahil habang ipinipilit mo, lalo ka lang masasaktan. Oo, mahirap at masakit, pero, it takes time. Darating din ang araw na ‘yung mga iniyak mo ay tatawanan mo na lang. Kapag nakilala mo na ang magbibigay-halaga sa iyo, masasabi mong, mabuti na lang ay hindi naging kayo ng lalaking dati mong pinapangarap dahil kung hindi ka bumitaw, hindi mo makikilala ang talagang nakalaan para sa iyo. God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page