Nakakain ng karne ng elepante | 500 BUWITRE NALASON, DEDO
MAHIGIT 500 buwitre ang namatay matapos malason sa kinaing karne ng elepante sa Botswana.
Kabilang sa kabuuang 537 na endangered vultures ang dalawang tawny eagles na natagpuan sa Gaborone, Botswana.
Ayon sa Botswanan Department of Wildlife and National Parks, nakita nila ang tatlong elepante na tinalian ng lason matapos patayin ng poachers.
Gayunman, karamihan sa mga namatay na vultures ay white-backed na itinuturing na ‘critically endangered’ ng International Union for Conservation of Nature red list ng threatened species.
Sinasabing nilalason ng mga poacher ang mga elepante para sa mga buwitre dahil hinala nila na sila ay may dalang monitoring system laban sa poachers.





Comments