Nagturo ng free swimming sa 1,800 bata… ENCHONG, PASOK SA GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS
- BULGAR

- Jun 23, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MATAGUMPAY ang ginawang attempt ng aktor na si Enchong Dee na i-break ang record sa Guinness Book of World Records ng may pinakamaraming bata na tinuruan ng swimming skills at safety tips sa loob ng isang araw na ginawa para sa adbokasiya niyang #DrownfreePhilippines.
Nagawa itong posible ni Enchong sa tulong ng “Handog Palangoy ni Enchong” in partnership with Bert Lozada, kung saan nagtuturo sila sa mga bata ng basic skills sa paglangoy upang makaiwas sa mga aksidente at sakuna tulad ng baha.
Lagpas 1,800 ang tinuruan nina Enchong na ginanap sa Aqua Planet sa Clark, Pampanga. Ipinost ito ng aktor sa kanyang Instagram account at ipinakita ang ilang batang tinuruan niya.
Aniya, “Today, we broke the Guinness world record for the most number of Children being taught basic swimming skills and water safety in one day.”
Noong college, naging atleta ng swimming ang aktor sa De La Salle University. Naging parte rin siya ng Philippine Swimming Team at lumaban sa iba’t ibang bansa at inirepresenta ang Pilipinas sa SEA Games.





Comments