PCSO SPECIAL MAIDEN RACE
- Ding Taboy
- Jun 22, 2019
- 2 min read

HAHATAW ngayong hapon ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Special Maiden Race (3 Year Old Open) sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Nakataya ang P800,000 para sa tatanghaling PCSO-Special Maiden Race champion habang tatanggap ng halagang P250,000 ang segunda at P150,000 sa pangatlo.
Ang mga kalahok ay pangungunahan ng Cherubim, Kickback, Blue Blood, Cups In Raver, Rich N Humble, Agi Daw, War Commander at Trust In Him. Nakalalamang ang Kickback at posibleng tumalo ang War Commander at binibigyan ng laban ang Agi Daw Trust In Him at Cups In Raver.
Magaganap ang Winner Take All (WTA) sa Race 1 at ipinapatok ang Abakada habang makakalaban ang couple entry na Shalom at Dimakya Island at Expensive.
Sa Race 2, mag-uumpisa ng Pick 6 event at magkakalaban ang Manlot Island at Speed Wego at Inggit Ka Lang. Sa Race 3 mahigpit na maglalaban ang mga kalahok na KickBack at War Commander habang sa Race 4 pinapaboran ang mga kalahok na Pronto at couple entry na Ultimate Royale at Ring As Rain.
Ipinapatok ang Viva Morena habang ang Spuck Attack ang makakalaban sa Race 5. Sa Race 6, ipinapatok ang couple entry na Summer Style at Hook Princess at makakatanggal ang Classic Gee at Sunday Surprise. Tatlong kalahok ang nakikita ko na maglalaban-laban sa Condition Race (22) ang Blue Sapphire, Grey Area at Oakhill Princess. Tip ni Mang Ding: Race 1- Abakada (6) Entry No.3 Race 2- Entry No.7 Manlot Island(2) Inggit Ka Lang(1) Race 3- Kickback (2) War Commander(9) Race 4- Entry No.5 Pronto (1) Race 5- Viva Morena (3) Spuck Attack (8) Race 6- Entry No.2 Classic Gee (6) Race 7- Blue Sapphire (4) Grey Area (7) Oakhill Princess (11)





Comments