PARKS, JR, UMAYAW SA GILAS


UNANG inalok si Ray Parks Jr. na maglaro para sa Gilas Pilipinas na sasabak sa 2019 FIBA World Cup, pero tinanggihan nito.
Ayon ito kay Philippine national team head coach Yeng Guiao. “We have a few other names na gusto naming imbitahan. Actually, for today, we invited Ray Parks, but he declined,” aniya sa reporters kasunod ng ikalawang praktis para sa paghahanda sa world meet sa Agosto.
Sa pagdetalye ni coach Yeng na lumabas sa ABS-CBN online, si team liason officer Yvett Reyes ang may contact kay Parks Jr., “My understanding is he declined to be part of the pool. Ang nangyari kasi is I asked ma’am Yvette to get in touch with him,” pagbabahagi niya. “My understanding is may iba siyang priorities.”
Huling nakapagsuot ang second overall pick ng 2019 PBA Draft ng bandila ng Pilipinas ay noong 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament. Naging miyembro siya ng Gilas cadets na nagwagi ng gold medal noong 2017 SEA Games sa Malaysia.
Si Parks Jr. sa ngayon ay may average na 23.4 points, 6.0 rebounds, 3.4 assists, at 1.71 steals para sa Blackwater sa una niyang conference sa PBA.
Malaking bagay pa rin kung maglalaro si Parks sa Gilas Pilipinas at baka sakaling mahilot pa dahil na rin sa estado nina Jayson Castro at Kiefer Ravena na pawang hindi makalalaro sa Gilas. “We’re just going to have to look for some other people whom we can consider in the national pool,” saad ng Gilas mentor. (MC/ATD)





Comments